Friday, July 31, 2015
University of Pila
University of the Philippines para sa karamihan, pero para sa mga iskolar ng Bayan, University of Pila. Sa kahit anong unibersidad o kolehiyo ka naman pumasok, pipila at pipila ka rin. Kaya hindi ko noon lubusang maintindihan kung bakit tila baliw na baliw ang mga tao sa mga pila sa UP. Iba pala kasi ang gumising nang maaga, hindi kumain ng almusal, makipag-unahan sa pila, at pagkatapos ay wala ka pa lang mapapala. Naubos na kasi ang slots sa GE na nais mong kunin. Ang pinakamasaklap pa'y umabot ka sana kung nakarating ka lang nang ilang minutong mas maaga! Sayang. 'Di bale, natutunan mo naman ang iyong leksyon. Sa susunod, agahan mo pa!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment